Paggamit ng Droga
Nilikha ng mga scientipiko ang gamot sa mundo upang makapag-bigay lunas ng sakit sa kahit sinu mang tao ngunit mayroon tayong tinatawag na mabuting gamot at masamang gamit or tinatawag din natin itong ipinagbabawal na gamot. Ito ay medisina upang madaling mawala ang sakit ngunit sa kabila nito ay nakapagbibigay sakit kapag inabuso. May gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga kabataan ngayon. Sinasabing ang kabataan ang siyang pag-asa ng bayan ngunit, ngunit ano na nga ba ang nangyayari? Ang ganitong sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng lipunan dahil marami na ang masamang pangyayari na nagaganap sa lipunan dulot nga ng paggamit nito. Dumarami na rin ang bilang ng mga napapatay na kriminal bunsod ng paglaban ni Duterte sa ilegal na droga. habang tumatagal, unti-unti ng nababaasan ang mga gumagamit ng gamot na ito.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement, tinatayang 92% ng mga barangay sa Metro Manila ang apektado ng droga. Kaya naman hindi kataka-takang maraming pamilyang Pilipino ang sangkot sa paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Umabot rin sa halos 196 na politiko at 283 na mga empleyado ng gobyerno ang naaresto dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (PDEA, 2016). Ayon rin sa balita, mahigit 300 na katao na diumano ang napatay sa 'gyera kontra-droga' ng administrasyon. Karamihan nito ay ang mga napaslang, mga durugurista o nagtutulak ng droga na antas-kalye. Araw-araw laman ng mga balita ang mga pagpatay, pagsuko o paghuli sa adik ng ilegal na droga kaya naman hindi nakapagatataka na popular na popular ang kampanyang kontra-droga ito ni Duterte.
Bagaman alam na alam ng mga tao na ito ay mapanganib kung sila ay nahuli o nalaman ng mga police na sila ay nagbebenta ng gamot na ito, Oo, karamihan sa atin ay alam na ang paggamit ng droga ay isang paraan upang makaahon sa kahirapan, nakababawas ng suliranin, o di kaya'y panghanapbuhay ng iba at yung iba'y pampalipas oras lang. Pero alam din natin na ang paggamit nito ay may masamang epekto sa buhay ng isang tao kaya naman, dapat muna nating pagisipan ang mga bagay-bagay bago natin isagawa sapagkat alam ko at naniniwala akong ang ating kaalaman ang siyang magbibigay sa ating sa magandang kinahihinatnan kung, ang pinili mong daan ay kabutihan.