Talumpati
Tungkol Sa Kahirapan
Walang taong gustong maging mahirap, dahil
mahirap ang maging mahirap. Ang bawat isa sa atin ay mayroong pagpipilian kung
anong uri ng buhay ang gusto natin maging balang araw. Ika nga sa kasabihan kung
gusto ay may paraan at kapag ayaw ay may dahilan”.
Para sa akin walang taong ipinanganak na
mahirap dipende n lamang kung ito ay ginusto niya. Kase bawat tao ay may
saraling kagustuhan sa buhay. Choice mo yun kaya panindigan mo.
Ginawa ng dakilang Lumikha ang buhay na talagang
mahirap. Walang bagay na madali sa mundong ibabaw lahat ay pinagpapaguran at
pinaghihirapan muna bago mo ito makamtan. Bagaman may positibo pananaw karamihan
naman sa atin ay mayroong mga negatibong pananaw sa buhay.
Matuto po tayong lumaban at pilit na baguhin
kung ano ang hindi magandang kinagisnan dahil sa bawat laban ay may kaakibat na
kasarapan. Gumawa tayo ng legal na paraan upang sa ganon iyong makakamtan ang
buhay na maganda sa kinabukasan
Ang pagpupunyagi, sipag at tiyaga ang ating
kailangan na ipuhunan para tayo ay makaahon ng konti sa hirap ng buhay. Walang
bagay na pilit na pinagsisikapan ang hindi natin makakamtan. Huwag nating
tuldukan ang ating mga pangarap sa walang kwentang bagay bagay.


No comments:
Post a Comment